banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 113

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Purihin si Yahweh. Purihin siya, kayong mga lingkod ni Yahweh; purihin ang pangalan ni Yahweh.
2Pagpalain ang pangalan ni Yahweh, ngayon at magpakailanman.
3Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, ang pangalan ni Yahweh ay dapat papurihan.
4Itataas sa lahat ng mga bansa si Yahweh, at umaabot hanggang kalangitan ang kaniyang kaluwalhatian.
5Sino ang katulad ni Yahweh ang ating Diyos, na nakaupo sa kataas-taasan,
6na nakatingin sa langit at sa lupa?
7Ibinabangon niya ang mahihirap mula sa alabok at itinataas ang nangangailangan mula sa bunton ng abo,
8para siya ay makaupo kasama ng mga prinsipe, mga prinsepe ng kaniyang bayan.
9Binibigyan niya ng upuan ang babaeng baog na nasa bahay tulad ng isang masayahing ina ng mga anak. Purihin si Yahweh.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.