banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 112

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Purihin si Yahweh. Mapalad ang tao na sumusunod kay Yahweh, na siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga kautusan.
2Ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay magiging makapangyarihan sa mundo; ang salinlahi ng maka-diyos ay pagpapalain.
3Kasaganaan at kayamanan ay nasa kaniyang tahanan; ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
4Nagliliwanag ang ilaw sa kadiliman para sa maka-diyos; siya ay mapagbigay-loob, maawain, at makatarungan.
5Umaayos ang buhay ng taong nakikitungo nang may kahabagan at nagpapahiram ng salapi, ng nagsasagawa ng kaniyang mga gawain nang may katapatan.
6Dahil siya ay hindi kailanman matitinag; ang matuwid ay maaalala magpakailanman.
7Hindi siya natatakot sa masamang balita; siya ay panatag at nagtitiwala kay Yahweh.
8Mapayapa ang kaniyang puso, walang takot, hanggang siya ay magtagumpay laban sa kaniyang mga kaaway.
9Bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman; siya ay maitataas nang may karangalan.
10Makikita ito ng masamang tao at magagalit; magngangalit ang kaniyang mga ngipin at matutunaw; ang pagnanais ng masasama ay mawawala.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.