banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 114

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, ang sambahayan ni Jacob mula sa mga dayuhan na iyon,
2ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang kaharian.
3Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan.
4Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa.
5Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas?
6Mga bundok, bakit kayo lumukso na parang mga tupa? Kayong maliliit na burol, bakit kayo lumukso na parang batang tupa?
7Mayanig ka, O lupa, sa harap ng Panginoon, sa presensiya ng Diyos ni Jacob.
8Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.