banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 61

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1O Diyos pakinggan mo ako; pansinin mo ang aking panalangin.
2Tumatawag ako mula sa dulo ng daigdig kapag nagapi ang aking puso; dalhin mo ako sa bato na mataas kaysa sa akin.
3Dahil naging kanlungan ka sa akin, isang matatag na muog mula sa kaaway.
4Magpakailanman akong mananahan sa iyong tolda; magtatago ako sa ilalim ng iyong mga pakpak. Selah
5Dahil narinig mo, O Diyos, ang aking mga panata; binigyan mo ako ng mana para sa mga nagpaparangal sa iyong pangalan.
6Pahahabain mo ang buhay ng hari; ang kaniyang mga taon ay magiging katulad ng maraming salinlahi.
7Mananatili siyang nasa harapan ng Diyos magpakailanman;
8Magpupuri ako sa iyong pangalan magpakailanman para araw-araw kong magawa ang aking mga panata.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.