banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 60

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1O Diyos, itinakwil mo kami; nilupig mo kami; ikaw ay nagalit; ibalik mo aming muli sa aming kalagayan.
2Pinayayanig mo ang lupain; pinaghiwa-hiwalay mo ito; pagalingin mo ang pagkakasira nito, dahil ito ay nayayanig.
3Ipinakita mo sa iyong bayan ang mga matitinding bagay; pinainom mo sa amin ang alak na nagpapasuray.
4Nagbigay ka ng isang bandera sa mga nagpaparangal sa iyo para maipakita ito dahil sa katotohanan. Selah
5Para silang mga minamahal mo ay masagip, sagipin mo kami ng iyong kanang kamay at sagutin ako.
6Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan, “Ako ay nagagalak; hahatiin ko ang Shekem at ipamamahagi ang lambak ng Sucot.
7Sa akin ang Galaad, at sa akin ang Manases; sanggalang ko sa ulo ang Efraim; setro ko ang Juda.
8Ang Moab ay aking hilamusan; sa ibabaw ng Edom ihahagis ko ang aking sapatos; sisigaw ako sa tagumpay dahil sa Filistia.
9Sino ang magdadala sa akin sa malakas na lungsod? Sino ang maghahatid sa akin sa Edom?”
10Pero ikaw, O Diyos, hindi mo ba kami itinakwil? Hindi mo sinamahan sa laban ang aming hukbo.
11Tulungan mo kami laban sa kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang silbi.
12Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng tulong ng Diyos; yuyurakan niya ang aming mga kaaway.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.