banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 4

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Tumugon ka kapag ako ay nananawagan, Diyos ng aking katuwiran; bigyan mo ako ng silid kapag ako ay napapalibutan. Kaawaan mo ako at makinig ka sa aking panalangin.
2Kayong mga tao, gaano ninyo katagal papalitan ang aking karangalan ng kahihiyan? Gaano ninyo katagal mamahalin ang mga walang halaga at maghahangad ng mga kasinungalingan? Selah
3Pero alamin ninyo na hinihiwalay ni Yahweh ang mga maka-Diyos para sa kaniyang sarili. Didinig si Yahweh kapag tumatawag ako sa kaniya.
4Manginig kayo sa takot, pero huwag kayong magkasala! Magnilay-nilay sa inyong puso sa inyong higaan at manahimik. Selah
5Ihandog ang mga alay ng katuwiran at ilagay ang inyong tiwala kay Yahweh.
6Maraming nagsasabi, “Sino ang magpapakita ng anumang kabutihan sa atin?” Yahweh, itaas mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7Binigyan mo ang aking puso ng higit na kagalakan kaysa sa iba tuwing sumasagana ang kanilang mga butil at bagong alak.
8Sa kapayapaan, ako ay hihiga at matutulog, dahil tanging ikaw, Yahweh, ang nagliligtas at nagpapatiwasay sa akin.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.