banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 3

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway! Marami ang tumalikod at nilusob ako.
2Maraming nagsasabi tungkol sa akin, “Walang tulong mula sa Diyos na darating para sa kaniya.” Selah
3Pero ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid, aking kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng aking ulo.
4Tinataas ko ang aking tinig kay Yahweh, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na burol. Selah
5Nahiga ako at natulog; nagising ako, dahil inalagaan ako ni Yahweh.
6Hindi ako matatakot sa maraming tao sa bawat dako na inihanda ang kanilang mga sarili laban sa akin.
7Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama.
8Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. Selah
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.