banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 91

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Siya na nananahan sa kanlungan ng Kataas-taasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat.
2Aking sasabihin kay Yahweh, “Siya ang aking kanlungan at aking tanggulan, aking Diyos, na aking pinagkakatiwalaan.”
3Dahil sasagipin ka niya mula sa patibong ng mangangaso at mula sa nakamamatay na salot.
4Tatakpan ka niya ng kaniyang mga pakpak, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay makakatagpo ka ng kanlungan. Ang kanyang pagiging mapagkakatiwalaan ay isang kalasag at proteksyon.
5Hindi ka matatakot sa kilabot ng gabi, o sa palaso na lumilipad sa araw,
6o ang salot na gumagala sa kadiliman, o ang sakit na nanggagaling sa katanghalian.
7Libo ang maaaring mabuwal sa iyong tabi, at sampung libo sa iyong kanang kamay, pero hindi ito makakaabot sa iyo.
8Mamamasdan mo lamang at makikita ang mga kaparusahan ng masasama.
9Dahil si Yahweh ang aking kanlungan! Gawin mo ring kanlungan ang Kataas-taasan.
10Walang kasamaang makakaabot sa iyo; walang paghihirap ang makakalapit sa iyong tahanan.
11Dahil uutusan niya ang kaniyang mga anghel na protektahan ka, para ingatan ka sa lahat ng iyong mga kaparaanan.
12Itataas ka nila gamit ang kanilang mga kamay para hindi ka madulas at mahulog sa bato.
13Dudurugin mo ang mga leon at ulupong sa iyong mga paa; iyong yuyurakan ang mga batang leon at mga ahas.
14Dahil matapat siya sa akin, ililigtas ko siya. Poproktetahan ko siya dahil matapat siya sa akin.
15Kapag tumatawag siya sa akin, ako ay tutugon sa kaniya. Makakasama niya ako sa kaguluhan; bibigyan ko siya ng katagumpayan at pararangalan siya.
16Bibigyan ko siya ng kasiyahan sa mahabang buhay at ipapakita ko sa kaniya ang aking kaligtasan.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.