banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 87

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Ang lungsod ng Panginoon ay naitatag sa banal na mga kabundukan.
2Mas minamahal ni Yahweh ang mga tarangkahan ng Sion kaysa sa lahat ng mga tolda ni Jacob.
3Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. Selah
4Binanggit ko ang Rahab at Babilonia sa mga tagasunod ko. Masdan ninyo, may Filistia, at Tiro, kasama ang Etiopia. Ang isang ito ay ipinanganak doon.
5Sa Sion ay sasabihin ito, “Bawat isa rito ay ipinanganak sa kaniya; at ang Kataas-taasan mismo ang magtatatag sa kaniya.”
6Tinatandaan ni Yahweh habang inililista niya ang mga tao, “Ang isang ito ay ipinanganak doon.” Selah
7Kaya sinasabi ng mang-aawit at mananayaw, “Ang lahat ng aking bukal ng tubig ay nasa iyo.”
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.