banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 76

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Ipinakilala ng Diyos ang kaniyang sarili sa Juda; ang kaniyang pangalan ay dakila sa Israel.
2Ang kaniyang tolda ay nasa Salem; ang kaniyang pinananahanan ay nasa Sion.
3Doon, sinira ang mga palaso ng pana, ang kalasag, ang espada, at ang ibang mga sandata sa labanan. Selah
4Kumikinang ka at ipinakita mo ang inyong kaluwalhatian, habang bumababa ka mula sa mga bundok, kung saan pinatay mo ang iyong mga biktima.
5Ang mga matatapang ay nanakawan; nakatulog sila. Lahat ng mga mandirigma ay walang nagawa.
6Sa iyong pagsaway, Diyos ni Jacob, parehong nakatulog ang kabayo at ang sakay nito.
7Totoong ikaw nga ay dapat katakutan; sino ang makakatagal sa iyong paningin kapag ikaw ay nagalit?
8Ang iyong paghatol ay nagmula sa langit; ang mundo ay takot at tahimik.
9Ikaw, O Diyos, ay tumindig para isagawa ang paghatol at para iligtas ang lahat ng naapi sa mundo. Selah
10Tunay nga, na ang iyong galit na paghatol sa mga taong iyon ay magdadala sa iyo ng papuri. Ganap mong ipinakita ang iyong galit.
11Gumawa kayo ng mga pangako kay Yahweh na iyong Diyos at tuparin ang mga ito. Nawa lahat ng nakapaligid sa kaniya ay magdala ng kaloob, na siyang dapat katakutan.
12Ibinababa niya ang lakas ng loob ng mga prinsipe; siya ay kinatatakutan ng mga hari sa mundo.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.