banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 54

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan, at sa iyong kalakasan, hatulan mo ako.
2Pakinggan mo ang aking panalangin, O Diyos; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.
3Dahil ang mga dayuhan ay naghimagsik laban sa akin, at ang mga walang awang mga lalaki ay pinagtangkaan ang aking buhay; hindi nila itinakda ang Diyos sa kanilang harapan. Selah
4Masdan mo, ang Diyos ang tumutulong sa akin; ang Panginoon ang siyang nagtataas sa akin.
5Ibabalik niya sa aking mga kaaway ang kasamaan; sa iyong katapatan, wasakin mo sila!
6Mag-aalay ako ng kusang-loob na handog; ako ay magbibigay pasasalamat sa iyong pangalan, Yahweh, dahil ito ay mabuti.
7Dahil siya ang sumagip sa akin mula sa bawat kaguluhan; ang aking mata ay nakatingin ng matagumpay laban sa aking mga kaaway.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.