banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 43

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Hatulan mo ako, O Diyos, at ipagtanggol ang aking kapakanan laban sa makasalanang bansa;
2Dahil ikaw ang Diyos ng aking kalakasan; bakit mo ako itinapon palayo? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng kaaway?
3O, ipadala mo ang iyong liwanag at katotohanan; hayaan mong pangunahan nila ako; hayaan mong dalhin ako sa banal mong burol at sa iyong tabernakulo.
4Pagkatapos, pupunta ako sa altar ng Diyos, sa Diyos na aking lubos na kaligayahan; at sa aking alpa pupurihin kita, O Diyos, aking Diyos.
5Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa? Bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos; dahil magpupuri pa ako sa kaniya, siya na aking saklolo at aking Diyos.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.