banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 32

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Mapalad ang tao na pinatawad ang kaniyang pagsuway, na tinakpan ang kaniyang kasalanan.
2Mapalad ang tao na siyang pinapalagay ni Yahweh na walang pagkakasala at ang espiritu na walang panlilinlang.
3Kapag nanatili akong tahimik, ang aking mga buto ay unti-unting nadudurog habang ako ay dumadaing buong araw.
4Dahil araw at gabi ang iyong kamay ay mabigat sa akin. Nalanta ang aking kalakasan tulad ng tagtuyot sa tag-araw. Selah
5Pagkatapos inamin ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko na ikinubli ang aking kasamaan. Sinabi ko, “aaminin ko ang pagsuway ko sa iyo Yahweh,” at pinatawad mo ang kabigatan ng aking kasalanan. Selah
6Dahil dito, ang lahat ng makadiyos ay dapat manalangin sa iyo sa oras ng mabigat na paghihirap. Pagkatapos kapag ang daluyong ng tubig ay umapaw, hindi nila maabot ang mga tao.
7Ikaw ang aking kublihan; babantayan mo ako sa kaguluhan. Papalibutan mo ako ng mga awit ng pagtatagumpay. Selah
8Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo.
9Huwag kang tumulad sa isang kabayo o katulad ng isang asno, na walang pagkakaintindi; dahil lamang sa renda sa bibig kaya napapasunod sila kung saan mo sila gustong papuntahin.
10Ang mga masasama ay maraming kapighatian, pero ang katapatan sa tipan ni Yahweh ang papalibot sa nagtitiwala sa kaniya.
11Magalak kay Yahweh, at magalak kayo, kayong mga matutuwid; sumigaw sa galak, ang lahat ng pusong matuwid.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.