banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 30

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Itinataas kita, Yahweh, dahil ibinangon mo ako at hindi pinahintulutan ang aking mga kalaban na magalak dahil sa akin.
2Yahweh aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.
3Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan.
4Umawit ng mga papuri kay Yahweh, kayong bayan niyang matapat! Magbigay ng pasasalamat kapag naalaala ninyo ang kaniyang kabanalan.
5Dahil ang kaniyang galit ay isang saglit lamang; pero ang kaniyang pabor ay panghabangbuhay. Ang pag-iyak ay dumarating sa gabi, pero ang kagalakan ay dumarating sa umaga.
6Buong tiwala kong sinabi, “Hindi ako kailanman mayayanig.”
7Yahweh sa pamamagitan ng iyong pabor ako ay itinatag mo tulad ng isang matatag na bundok; pero kapag itinago mo ang iyong mukha, ako ay naligalig.
8Umiyak ako sa iyo, Yahweh, at naghanap ng pabor mula sa aking Panginoon!
9Anong pakinabang mayroon sa aking kamatayan, kung ako ay bababa sa libingan? Mapapapurihan ka ba ng alabok? Maipapahayag ba nito na ikaw ay mapagkakatiwalaan?
10Pakinggan mo, Yahweh, at ako ay kaawaan! Yahweh, ikaw ay maging katuwang ko.
11Pinalitan mo ang aking pagluluksa ng pagsasayaw; hinubad mo ang aking sako at dinamitan ako ng kagalakan.
12Kaya ngayon ang naparangalan kong puso ay aawit nang papuri sa iyo at hindi mananahimik; Yahweh aking Diyos, magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo magpakailanman!
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.