banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 20

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Nawa ay tulungan ka ni Yahweh sa araw ng kaguluhan; nawa ang pangalan ng Diyos ni Jacob ang mangalaga sa iyo
2at magpadala ng tulong mula sa banal na lugar para magtaguyod sa iyo sa Sion.
3Nawa maalala niya ang lahat ng iyong mga alay at tanggapin ang iyong sinunog na handog. Selah
4Nawa ay ipagkaloob niya sa iyo ang hinahangad ng iyong puso at tuparin ang lahat ng iyong mga plano.
5Pagkatapos magagalak kami sa iyong tagumpay, at, sa pangalan ng ating Diyos, itataas namin ang mga bandila. Nawa ay ipagkaloob ni Yahweh ang lahat ng iyong kahilingan.
6Ngayon alam ko na ililigtas ni Yahweh ang kaniyang hinirang; sasagutin siya mula sa kaniyang banal na kalangitan na may lakas ng kaniyang kanang kamay na maaari siyang sagipin.
7Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo, pero ang tinatawagan namin ay si Yahweh na aming Diyos.
8Sila ay ibababa at ibabagsak, pero tayo ay babangon at tatayong matuwid!
9Yahweh, sagipin mo ang hari; tulungan mo kami kapag kami ay nananawagan.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.