banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 150

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Purihin si Yahweh. Purihin ang Diyos sa kaniyang banal na lugar; purihin siya sa matataas na kalangitan.
2Purihin siya dahil sa kaniyang dakilang mga gawain; purihin siya sa kaniyang kadakilaang walang katumbas.
3Purihin siya sa ihip ng tambuli; purihin siya gamit ang plawta at alpa.
4Purihin siya gamit ang tamburin at sayawan; purihin siya gamit ang mga instrumentong may kuwerdas at mga instrumentong hinihipan.
5Purihin siya gamit ang maiingay na pompyang; purihin siya gamit ang matitinis na pompyang.
6Purihin si Yahweh ng lahat ng may hininga. Purihin si Yahweh.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.