banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 129

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1“Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel.
2“Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo.
3Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa sila ng mahabang ukit na daan.
4Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.”
5Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion.
6Nawa maging tulad sila ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago,
7na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.
8Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.