banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 124

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1“Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon,
2“kung hindi si Yahweh ang nasa ating panig nang lumusob ang mga tao laban sa atin,
3tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin.
4Tatangayin tayo ng tubig; lalamunin tayo ng malakas na agos ng tubig.
5Pagkatapos lulunurin tayo ng rumaragasang tubig.”
6Purihin si Yahweh, siyang hindi nagpahintulot na magutay-gutay tayo sa pamamagitan ng kanilang mga ngipin.
7Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas.
8Ang ating saklolo ay na kay Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.