banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 120

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Sa aking kahirapan tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako.
2Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila.
3Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila?
4Papanain ka niya ng matalim na mga pana ng mandirigma, kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo.
5Kaawaan ako dahil pansamantala akong naninirahan sa Mesech; nanirahan ako dati sa mga tolda ng Kedar.
6Matagal akong nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan.
7Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag ako ay nagsasalita, sila ay para sa digmaan.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.