banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Mga Awit 110

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”
2Hahawakan ni Yahweh ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; mamuno ka sa iyong mga kaaway.
3Ang iyong bayan ay susunod sa iyo sa banal na kasuotan ng kanilang sariling kalooban sa araw ng iyong kapangyarihan; mula sa sinapupunan ng bukang liwayway ang iyong pagkabata ay mapapasaiyo gaya ng hamog.
4Sumumpa si Yahweh, at hindi magbabago: “Ikaw ay isang pari magpakailanman, ayon sa paraan ni Melkisedek.”
5Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay. Papatayin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit.
6Hahatulan niya ang mga bayan; pupunuin niya ang lugar ng digmaan ng mga bangkay; papatayin niya ang mga pinuno ng maraming mga bansa.
7Iinom siya sa batis sa tabi ng daan, at pagkatapos ay ititingala niya ang kaniyang ulo pagkatapos ng tagumpay.
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.