banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB)

Job 25

Basahin nang malaya ang Kasulatan. Paparating ang pag-aaral ng Divine Threads para sa kabanatang ito.

1Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
2“Nasa kaniya ang kapangyarihan at takot; nagtatakda siya ng kaayusan sa kaniyang mga matataas na lugar sa langit.
3May katapusan ba sa bilang ng kaniyang mga hukbo? Kanino ba hindi sumisikat ang kaniyang liwanag?
4Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
5Masdan mo, kahit na ang buwan ay walang liwanag sa kaniya; sa kaniyang paningin, ang mga bituin ay hindi dalisay.
6Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod — isang anak ng tao, na isang uod!”
banal na Bibliya — Tagalog Unlocked Literal Bible (TGLULB) © 2018 Door43 World Missions Community. Source: eBible.org/tglulb. License: CC BY-SA 4.0. Source Scripture wording is retained in the database. For readability, the reader hides nonprinting U+0081 control characters already present in the historical publisher text; it does not change any Tagalog letters, words, verse numbers or punctuation.